|
|
A. Panimulang Gawain |
|
|
|
§ Panalangin |
|
|
|
Magsitayo ang lahat para sa isang panalangin (Magtatawag ng mag-aaral upang pamunuan ang panalangin) |
Magsitayo ang lahat ng mag-aaral para sa panalangin (Mananalangin ang napiling mag-aaral) |
|
|
Bago magsipag upo ang lahat, Damputin ang ano man kalat sa paligid. |
(Dadamputin ang mga kalat) |
|
|
§ Pagbati |
|
|
|
Magandang hapon sa inyong lahat! |
Magandang hapon din po Ma’am! |
|
|
§ Pagtala ng liban sa klase |
|
|
|
(Tatawagin ang class monitor) |
|
|
|
_______. May liban ba sa klase sa araw na ito! |
Ikinalulugod ko pong ipaalam na wala pong lumiban sa klase sa araw na ito! |
|
|
B. Pag-babalik aral |
|
|
|
(Magtatanong sa mga mag-aaral tungkol sa kanilang natandaan at natutunan sa nakaraang talakayan) |
|
|
|
(Magtatawag ng mag-aaral_ |
Ang akin pong natutunan sa nakaraang talakayan ay patungkol sa ___________. |
|
|
Mahusay! |
|
|
|
C. Pagganyak |
|
|
|
(Ang guro ang maghahanda ng kahon na may lamang mga salita o lingo sa mundong multimedia) |
|
|
|
“PICK OR TREAT BOX” |
|
|
|
|
|
|
|
Magkakaroon tau ng larong pangkaisipan na tatawagin nating “PICK OR TREAT BOX” ibig sabihin sa loob ng kahon ay may mga papel na naglalaman ng mga larawan na ipapaliwanag ninyo ang ibig sabihin ayon sa inyo pagkakaintindi. Kapag ang papel na nabunot ninyo ay may nakasulat na “treat” ay swerte ninyo dahil ito ay isang treat sa makakabunot nito. |
|
|
|
Naintindihan ba? |
Opo Ma'am |
|
|
Panuto: |
|
|
|
Magtatawag ako ng (15) mag-aaral na bubunot ng papel sa loob ng kahon upang alamin kung ano ang larawan na nasa papel na kanyang nabunot. |
(Sisimulan magtawag ng mga mag-aaral ng bubunot ng papel sa loob ng kahon) |
|
|
(Mga lingo sa mundong Multimedia na ilalagay sa loob ng kahon). |
|
|
|
1. Tiktok |
|
2. Facebook |
|
3. email |
|
4. internet |
|
5. audio |
|
6. e-learning |
|
7. Hypermedia |
|
8. Youtube |
|
9. World Wide Web (www.) |
|
10. Google |
|
|
|
Mahusay ang lahat ng sumagot! |
|
|
|
Palakpakan ang bawat sarili. |
(Papalakpak ang mga mag-aaral) |
|
|
Sa inyong pagkakaintindi ano ang kaugnayan ng inyong mga sagot sa ating talakayan sa araw na ito? |
(Magtataas ng kamay ang mag-aaral na nais sumagot) |
|
|
Ano-ano ang tawag sa mga salitang ito at saan ito nauugnay? |
|
|
|
D. Paglalahad |
|
|
|
Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay tungkol sa mga lingo o terminolohiya na ginagamit sa mundo ng multimedia |
|
|
|
E. Pagtalakay sa paksa |
|
|
|
Ang ating aralin sa araw na ito ay tungkol sa Pagbibigay ng-kahulugan sa mga lingo na ginagamit sa mundong Multimedia. |
|
|
|
Bago ko simulan ang talakayan, ano ang ibig sabihin ng lingo at multimedia? |
(Magtataas ng kamay ang mag-aaral na nais sumagot) |
|
|
§ Pagtalakay |
|
|
|
Lingo - Ito ay proseso ng komunikasyon na kung saan sa multimedia idinadaan ang ekspresyon nito. |
|
|
|
Multimedia - Paggamit ng higit sa isang pamamaraan ng pagpapahayag ng komunikasyon. |
|
|
|
Mayroon akong talaan ng mga multi-media lingo na bibigyan natin ng kahulugan. Maaaring ang mga lingo na ito ay may kaugnayan sa propesyong nais ninyo. |
|
|
|
DOKUMENTARYO - Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari upang higit itong mas maging makatotohanan. |
|
(Magbibigay ang guro ng halimbawa na napapanuod sa television) |
|
|
|
Halimbawa dito ang I-witness, Jesssica Sojo. Sino ang nakapanuod na ng mga ito sa television? |
Ako Po Ma’am! |
|
|
Mahusay! |
|
|
|
STUDENT INDEPENDENT FILM - Mga pelikulang gawa ng mga estudyante o mag-aaral na inilalahok sa mga patimpalak. |
|
|
|
Sino na ang nakaranas na gumawa ng sariling pelikula na dito o naging project na ninyo sa school? |
(Magtataas ng kamay ang mag-aaral na nais sumagot) |
|
|
Mahusay! |
|
|
|
ISKRIP - Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at dayalogo ng mga tauhan at artista. |
|
|
|
Kung napapansin ninyo sa mga napapanuod ninyo na pelikula mayroong tinatawag na script ang mga artista, ito yung sinusunod nila na mga sasabihin o sasambitin na kataga sa pelikula. |
|
|
|
SEQUENCE ISKRIP – Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento. |
|
|
|
Pelikula. ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento. |
|
|
|
Sa isang pelikula o kwento may sinusundang pagkakasunod-sunod na bawat pangyayari. Napakaloob sa bawat pagkakasunod-sunod ang mensaheng o layunin na naiparating sa mga manonood. |
|
|
|
SINEMATOGRAPIYA – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera. |
|
|
|
Sa mga napapanood ninyong pelikula, makikita nyo ba ng malinaw ang bawat pangyayari at mga tauhan kung madilim ang ilaw na ginamit sa kapaligiran? |
|
|
|
DISENYONG PAMPRODUKSYON – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento. |
|
|
|
Kung ang pelikula ay patungkol sa serena, maaari bang ganapin ang pelikuha sa isang disyerto? |
Hindi po Ma'am |
|
|
Kung ang pelikula ay tungkol sa serena, ang angkop na kapaligiran ay ginaganap sa tubig o karagatan. At ang tauhan o bida ay kailangang may kasuotan na pang serena. |
|
|
|
PAGDIDIRIHE - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula. |
|
|
|
Ang direktor ang namamahala sa isang pelikula kung paano ang tamang pag kilos ng mga artista o tauhan sa pelikula. |
|
|
|
PAG-EEDIT – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong ng mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tiyakin kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula Mga Karaniwang Uri ng anggulo at kuha ng Kamera. |
|
|
|
F. Pangkat ng Gawain |
|
|
|
Magkakaroon kayo ng pangkatang Gawain. Mayroon akong ibibigay na iba pang lingo na ginagamit sa mundo ng Multimedia, Bawat grupo ay ipapaliwanag ang ibig sabihin at kahalagahan nito sa panahon ngayon sa mundo ng Multimedia |
|
|
|
Pangkat 1: Graphics |
|
Pangkat 2: Animation |
|
Pangkat 3: Video |
|
Pangkat 4: Audio |
|
Pangkat 5: Texts |
|
|
|
PAMANTAYAN | | Kaayusan ng pagpapaliwanag | 20 | Kalinawan ng boses sa pagpapaliwanag | 10 | Kahusayan sa pagpapaliwanag | 20 | Kabuuan | 50 |
|
|
|
|
Naintindihan ba, malinaw ba ang panuto? |
Opo Ma'am |
|
|
Ngayon papangkatin ko kayo sa limang pangkat. (Hahatiin ang klase sa limang pangkat) |
|
|
|
Kung wala ng katanongan sa ating pangkatang gawain, maaari na kayong mag-umpisa, mayroon lamang kayong (10) minuto para sa Gawain. |
|
|
|
(Pagkalipas ng 10 minuto ay bibigyan ng kahulugan ng bawat pangkat ang lingo na ginagamit sa mundo ng Multimedia) |
(Ipapaliwanag ng bawat grupo ang kanilang mga sagot sa lingo na binigay ng Guro) |
|
|
Mahusay! Palakpakan ang bawat isa. |
(Papalakpakan ng mga mag-aaral ang bawat isa) |
|
|